PRESS RELEASE:
Enero 16, 2010
BALITA:
Sanggunian: Ana Tarina G. Lulu
Pambansang Tagapangulo <09184217833>
Gibo, bigo sa kabataang artista : Paggamit ng ‘Posible’, kinundena
“Bigo si Gibo na makukuha ang boto ng mga kabataang artista.”
Kinundena ng Kabataaang Artista Para Sa Tunay Na Kalayaan (KARATULA),pambansang organisayon ng mga kabatang artista, ang paggamit ni Gilbert Teodoro ng kantang “Posible” ng mang-aawit na si Rico Blanco sa kanyang mgakampanya at patalastas sa telebisyon sa kabila ng pagkwestyon ng musikeroat ng Warner Music Philippines.“Nagulat ako nang mabalitaan ko na ginamit ang kanta nang walang paalam,maski ang paggaya ng boses ni Rico Blanco. Pinakita ni Gibo ang kawalanpakialam niya sa batas ng Intellectual Property at respeto sa mga artistaat sa kanilang sining,” sabi ni Ana Tarina Lulu, Pambansang Tagapangulo ngKARATULA .Kinikilalang idolo at music icon si Rico Blanco ng maraming kabataangPilipino. Patunay sa mataas na respeto ng mga kabataan sa kanya ang tweet,isang social networking, ni Blanco tungkol sa mga estudyanteng hayskul nanagpapaalam pa sa kanya upang gamitin nila ang kanyang mga kanta sakanilang proyekto, kahit hindi naman kailangan, ayon sa KARATULA. Dagdag ni Lulu, “Makapangyarihan ang mga kanta at jingles para sa kampanyang pagpapanalo sa isang kandidato. Pero kahit gaano pa man kalaganap angkanyang mga patalastas na puno ng ‘Galing at Talino’, hindi maitatago angkabulukan niya at ng kanyang amo na si Gloria Arroyo.”
Diin ng organisasyon, walang pinagkaiba si Gilbert Teodoro sa kanyangkapartido na si Arroyo dahil ipagpapatuloy lamang niya ang mgaanti-artista, anti-kabataan, at anti-mamamayan na mga polisiya ngnakaupong rehimen.“Madilim ang huling siyam na taon para sa mga kabataang artista dahil samga batas na kumikitil sa karapatan ng malayang pamamahayag tulad ng Rightof Reply Bill, di makatarungang kaso ng sensura sa mga artista na kritikalsa kalagayan ng bansa, at mabahong rekord nito ng karapatang pantao. Dapatmanagot si Gloria, kasama ang kanyang tuta sa depensa na si Gibo, samaraming paglabag nito sa karapatang pantao ng mga artista at mamamayan,”sabi ni Lulu.
Nananawagan ang organisasyon sa mga kabataan na maging kritikal sa pagpiling mga kandidato at dapat masusing pag-aralan ang kanilang mga programakung tunay itong magsisilbi sa nakakararami.
Wednesday, January 20, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment